scarlet red - Distansya

PoemHunter.com 2014-06-13

Views 15

sre,

Pakiramdam ko ang layo-layo mo na
Mapagbiro talaga siguro ang tadhana
At sa pagdaan ng ganitong mga araw
Animo ako’y tinutusok ng balaraw

Nakakainis ang ganitong pakiramdam
Sana lang ito’y madaling maparam
Pagkat sa dibdib ito’y may kabigatan
At buong pagkatao’y naaapektuhan


12.08.06

scarlet red

http://www.poemhunter.com/poem/distansya/

Share This Video


Download

  
Report form