Bakit
Sa mundong ibabaw, sila
Mga nilalang pag-unawa’y hanap
Umaga’t gabi’y mga kamay kumakalinga
Pero nasaan ba? Sa daigdig maskarahan na!
Minsa’y sa paghatak ng ulan
Sa malabo kung mga mata, sila pa rin
Ligaw na kaluluwa’y pilit sa putik makaahon
Duguang mga paa langit pilit maabot
Init ng araw minsan ito’y masilayan
Halakhak at liyaw kahit papanu ito’y malasap
Sa pag-alis man di’y maipinta lang sa hangin
Kahit minsa’y malasap buhay na tunay
Ngunit sila’y nabigo dahil nga’y
Mga multo sa nakaraan nahukay
Pangit na mukha sa mundo ipininta’t inukit
Sila’y nawa ang tanging hantunga’y kaylupit
Sila nga, ikaw at ako kaibigan
Putik sa mukha ating nakikita
Nakalimut mga tungkulin sa pagmamahal sa kapwa
Walang sino walang ano- ipadama lang ito
Bakit nga ba kaibigan ko?
Mga luha’y walang silbi mga bahid lang ng pait
Sa sariling mundo walang totoo
Kamay abot mo nilunod ako
Jordan Legaspi
http://www.poemhunter.com/poem/x-bakit/