Marites C. Cayetano - Ang Pintor

PoemHunter.com 2014-11-10

Views 25

Sa Pintor
ang langit ay nagkakulay
ang dagat ay nagkakulay
pati na rin ang bundok
at kapatagan.

Sa pintor
ang mga rosas
ay may iba't-ibang kulay
pati na rin ang mga ibon
at mga hayop sa bukid.

Sa Pintor
maging ang buhay ko
ay nagkakulay.

Subalit,
sa Pintor
wala pang sinuman
ang nakakakita.

Ang Pintor...
tunay na kulay ng kanyang buhay
sino....
ang makakapagpinta.

Marites C. Cayetano

http://www.poemhunter.com/poem/ang-pintor/

Share This Video


Download

  
Report form