Obese photographer, tinitingnan daw ng masama ng mga tao sa kalsada!

TomoNews PH 2015-04-14

Views 9

Obese na babae, kakaibang kumilos sa harap ng mga tao!

Si Haley Morris-Cafiero ay isang photographer mula sa Memphis, at naging viral ang kanyang mga litrato kamakailan.

Kahit na kasama siya sa lahat ng mga litrato, ay hindi siya dapat na naging subject ng mga ito. Ayon kay Morris-Cafiero, ang reaksiyon ng mga dumadaan na tao ang gusto niyang bigyang-pansin.

Ayon kay Morris-Cafiero, tinitingnan daw siya ng masama ng mga tao, dahil siya ay overweight. Pinuri siya ni Jon Feinstein, na kabilang sa Humble Arts Foundation, dahil nagawa niyang bigyang-pansin ang pag-uugali ng mga tao sa buong mundo, pagdating sa body weight, fat shaming, at iba pang mga body issues.

Hmm. Fat shaming ba ito? Akala namin ay super friendly lang ang mga pulis na ito!

Nakatayo ka sa gitna ng busing-busy na kalsada, hawak ang isang napakalaking mapa.

Kung nagpo-pose kayo nang napaka-awkward para sa mga litrato sa mga public areas, paano kayong hindi titingnan ng mga tao? At kapag tinitingnan kayo, hindi naman siguro lahat ng nakakita ay may ‘kritikal’ na mata?

Kapag tanggap niyo ang inyong itsura, good for you. At hindi na dapat importante sa inyo kung tanggap man kayo ng ibang tao o hindi. Diba? Ang kaligayahan natin ay hindi dapat na nakasalalay sa opinyon ng mga taong hindi natin kilala.

Nag-iipon ng pera si Morris-Cafiero sa Kickstarter para makagawa siya ng libro ng kanyang mga litrato.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS