Customer, magaling na sinagot ang isang napakabastos na employado ng Domino’s Pizza!
Nangyari na ito sa ating lahat: nag-order tayo ng pizza, naghintay tayo ng kalahating oras, at pagkatapos…ay mali ang ibinigay nilang pizza.
Ito ang nangyari kamakailan, nang nag-order si Eric Promenchenkel ng pizza mula sa State Street branch ng Domino’s sa Saginaw, Michigan. Imbes na white sauce ay binigyan siya ng light sauce. Kaya tumawag siya para magreklamo, at nakausap niya ang manager na si Chris Bernier, na dalawang beses siyang binabaan ng telepono!
Kaya nagpunta ang nanay ng girlfriend ni Eric sa Domino’s para magreklamo in person – at ito ang nangyari.
Ang galing niyang sumagot diba? Isa pa nga!
Talong-talo ang bastos na employado. At ayon sa media, ay nawalan ito ng trabaho noong Lunes, matapos maging viral ang video na ito.
Mukhang wala siyang pag-asang magtrabaho sa kahit na aling pizza place sa Michigan, dahil sa insidenteng ito. Eh kung dito na lang kaya siya mag-apply?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH