Lalake sa UK, maaring makulong dahil sa Lolita manga at anime!

TomoNews PH 2015-04-14

Views 3

Lalake sa UK, naaresto dahil nagma-may-ari siya ng mga Lolicon manga comics!

Kung hindi kayo nakatira sa isang deserted island itong nakaraang labinlimang taon, alam niyo sigurado na kapag nakakita kayo ng ganitong imahe, na ito ay galing sa Japan. Ang Anime ay ang pinaikling salita na galing sa ‘animation,’ at ang manga naman ay Japanese para sa ‘comic book drowing,’ at parehong kilala sa buong mundo ang mga ito.

Ang mga titulo na gaya ng Naruto, Pokemon, at One Piexe ay napaka-popular, salamat sa istilo ng pagguhit, at mga istorya at plotline na tumatagal nang ilang taon.

Pero mayroon ding tinatawag na “lolicon manga,” na ang literal na ibig sabihin ay “komiks para sa may mga Lolita complex.” Ito ay mga animations at comic books na may mga drowing ng mga bata, na nagsasagawa ng mga aktibidad na mas bagay sa mga nasa tamang edad.

Karamihan sa mga imahe at mga aktibidad na nakaguhit sa mga komiks na ito ay ilegal, sa halos kahit na saang sulok ng mundo, pero dahil drowing lang ito, at walang aktuwal na batang nai-exploit, ito ay tinuturing lang na isang klaseng art.

Pero binago ito ng Crown Court of England, nang sinentensiya nito ang 39-year-old na si Robul Hoque noong isang araw, sa siyam na buwang pagkabilanggo, para sa pagma-may-ari niya sa mga lolicon images. Suspended and kanyang sentensiya, basta’t hindi na siya muling magsasagawa ng krimen.

Ang mga imahe na nasa kamay ni Hoque ay ng mga batang babae na nakasuot ng Japanese school uniforms, habang sila ay nakikipag-sex.

Kinuha ng mga pulis ang computer niya noong 2012, at natagpuan nila ang halos apat na daang mga imahe. Kahit na wala dito ang imahe ng tutoong tao, ay nagdesisyon pa rin ang korte na kasuhan si Hoque.

Noong 2009, ang Amerikanong comic book collector na si Christopher Handley ang nag-plead ng guilty para sa paglabag sa batas na nagbabawal sa kahit na anong ‘art’ na nagpapakita ng mga menor de edad na nagse-sex, at nagkukulang sa seryosong literary, artistic o scientific value.

Pero ang mahirap sa batas na ganito, ay para itong ideya ng kagandahan – depende talaga ito sa nakakakita.

Gaya ng mga anghel na ito, sa fountain na ito. Para sa ibang tao, ito ay napaka-artistic, Para sa iba, mukha lang siyang dalawnag batang umiihi.

At paano na ang cartoon violence? Kapag ginawa ko ito sa isang pusa, siguradong makukukong ako. Pero kung nangyari ito cartoons at komiks, okay lang…diba?

Paano na ang mga pelikulang Saw, Final Destination, at Scream? Lahat ay may mga high schoolers na pumatay AT napatay, at sa gitna ng lahat ng patayan ay nakipag-sex din sila.

Bakit hindi na lang natin i-focus ang ating mga resources sa paghuli sa mga tutoong tao, na nagsagawa ng tutoong krimen, laban sa mga tutoong tao?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form