Police officer, nag-post ng pekeng litrato ni Michael Brown!
Ang Kansas City police officer na si Marc Catron ay nag-share ng isang litrato ng accused murderer, na inakala niyang si Michael Brown!
Pinost ni Catron ang litrato ng isang African-American na lalake sa kanyang Facebook. Sa litrato, ang lalake ay tumutok ng baril sa camera, habang kagat-kagat ang isang stack ng pera, at may bote ng alak sa kanyang tabi. Ang caption: “Sigurado akong si Michael Brown ay inosente, at siya ay misunderstood lang. Sigurado akong siya ay isang importanteng miyembro ng komunidad ng Ferguson.”
Ang problema – hindi si Michael Brown ang nasa litrato.
Ang nasa litrato ay ang murder suspect na si Joda Cain, na naakusahan ng pagpatay sa kanyang great-grandmother sa Oregon noong isang taon!
Ang kagaguhan ni Catron ay nasa ilalim na ng internal review ng Kansas City Police Department.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH