Batang Pilipino, nagpapagaling matapos ang isang napakalaking operasyon sa kanyang mukha!

TomoNews PH 2015-04-14

Views 16

Batang Pilipino, nagpapagaling matapos ang isang napakalaking operasyon sa kanyang mukha!

Isang batang lalake mula sa Pilipinas ang nagpapagaling, matapos matanggal ng mga doktor sa Australia ang isang napakalaking laman sa kanyang mukha.

Ayon sa pamilya ng 7-year-old na si Johnny Lameon, noong maliit pa ang laman na tumubo sa mukha ng bata, ay hindi nila ito mapa-opera, dahil wala silang pera.

Nang nabalitaan ng mga doktor sa Australia ang kuwento ni Johnny, pinalipad nila ang bata sa Australia, at naisagawa nila ang libreng operasyon nang walong oras.

Naitanggal ng mga surgeons ang encephalocele, isang malaking bulsa ng likido na lumaki mula sa mga openings sa bungo ni Johnny.

Dahil ilang taon na ring nanatili sa mukha ni Johnny ang growth na ito, nangailangan siya ng maraming procedure: neosurgery, plastic surgery, intensive care at extensive imaging.

Isinagawa ang procedure noong March, at si Johnny ay inaasahang makakauwi ng Pilipinas, matapos ang lahat ng post-op procedures.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS