Babaeng ikakasal, namatay habang papunta sa kanyang bachelorette party -- ilang sandal lamang matapos siyang kumuha ng kahuli-hulihang selfie!
Ang 26-year-old na si Collette Moreno ay namatay sa isang car crash sa Missouri Highway 5 noong Biyernes, habang siya ay papunta sa kanyang bachelorette party sa Lake of Ozarks.
Si Moreno at ang kanyang best friend na si Ashley Theobald ay masayang kumuha ng selfie, ilang sandal lamang bago sila nag-crash.
Na-stuck ang kotse nila sa likod ng isang truck, at ang usok mula sa dito ang nagpahirap kay Moreno, na may asthma, kaya inikot nila ang truck, nang hindi nila namamalayan na may isang 1999 Dodge Ram na papunta sa kanila. Parehong nag-swerve ang mga kotse, pero natamaan ng Ram ang passenger side ng kotse ni Moreno.
Naligtas ang driver ng Ram, at si Ashley, nang hindi seryosong nasaktan, pero namatay si Moreno sa ospital.
Pakakasalan dapat ni Moreno ang kanyang fiancé, noong July 26th.
Si Ashley ay humaharap sa kasong careless and imprudent driving, pero walang criminal na kasong naisampa laban sa kanya.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH