Filipina maid, pinaso ng kumukulong tubig ng kanyang boss sa Saudi Arabia!
Ang litratong nakikita niyo rito ay pinapakita kung paanong seryosong napaso ng isang Saudi employer, ang isang 23-year-old na Filipina maid.
Ayon sa mga report, ang maid -- na kilala lamang bilang Fatma -- ay nagtrabaho para sa isang lalakeng taga-Saudi, na madalas siyang bugbugin dahil masyado daw madalas umiyak ang babae.
Trinansfer ng lalake si Fatma sa bahay kanyang ina, dahil hindi na raw nais ng asawa ng lalake na tumira ang maid sa bahay nila.
Nagkaroon ng issue diumano ang maid at ang ina ng lalake, dahil masyadong mabagal sa pagtimpla ng kape si Fatma.
Anim na oras ang dumaan bago nadala si Fatma sa ospital.
Sa isang follow-up checkup, nakapag-pasa ng sulat si Fatma sa isang nurse. Nasa sulat ang contact details ng kanyang pamilya.\
Si Fatma ay naligtas ng isa niyang pinsan, at nalista nang maayos ang pang-aabusong tiniis ni Fatma sa kamay ng kanyang mga employers.
Si Fatma ngayon ay nagpapagaling, sa ilalim ng proteksiyon ng Philippine embassy.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH