Mark Cuban, nagpaka-tutoo tungkol sa racism; hindi natuwa ang Internet!
Mark Cuban, pinag-usapan si Donald Sterling at racism, pero hindi siya naintindihan ng Internet.
Ang Dallas Mavericks at Internet media billionaire na si Mark Cuban ay kilala para sa kanyang malalakas na opinyon...
Pero nang siya ay nagbigay ng comment tungkol sa kontrobersiyal na pananalita ng dating NBA team owner na si Donald Sterling, maraming nagalit sa Internet.
Sa interview kasi ay sinabi ni Cuban na tatawid siya ng kalsada, kapag may nakasalubong siyang Africak-American nanaka-hoodie, o Caucasian na lalaking maraming tattoo sa katawan.
Inamin niya na lahat ng tao ay may prejudice, at hindi siya naiiba sa mga taong ito.
Sabi niya, siya ay 'bigoted,' may pagka-panatiko, pagdating sa iilang mga bagay, pero pinipili niyang pag-usapan ang issue imbes na ito ay iwasan.
Naiintindihan namin ang kanyang sinasabi, at para sa amin ay importante nga na mapag-usapan ng mga issue na ganito.
Pero may mga taong hindi natuwa, dahil napakinggan lang nila ang parte ng kanyang sinabi, tungkol sa pagtawid at pag-iwas sa mga taong nakakasindak ang itsura.
Kung maari sana, ay mapakiusapan namin ang mga nagagalit na taong ito, at pakinggan nila ang buong mensahe ni Cuban, at hindi lang ang unang parte nito. May sense naman kasi.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH