European Otter Cubs: ang bagong, pinaka-cute na animal sa Internet!

TomoNews PH 2015-04-14

Views 2

European Otter Cubs: ang bagong, pinaka-cute na animal sa Internet!

Kilalanin natin ang bagong, pinaka-cute na fur balls sa Internet -- European Otter cubs!

Naalala niyo ba ang pinaka-cute na panda sa buong mundo -- si Yuan Zai, mula sa Taipei, Taiwan? At naalala niyo ba ang pinaka-cute na baby polar bear sa buong mundo, na naninirahan sa Toronto Zoo? Ngayon, ay humanda kayo s aka-cute-an ng magkapatid na European otter cubs!

Ang dalawang European otters, o Eurasian otters na ito, ay natagpuan ng mga locals malapit sa maliit na pond sa Kinmen Island, sa Taiwan. Isa't kalahating buwan nang nakalipas, nang iniwan sila ng kanilang ina, matapos mawasak ng isang construction crew ang kanilang tirahan. Nang sila ay naligtas, dinala sila sa Taipei Zoo, kung saan sila'y inaalagaan nang mabuti.

Noong isang linggo, nagkaroon na sila ng mga medical checkups at dentist appointment; sinukat ang kanilang heartbeat at rectal temperatures, at iba pa. Nine weeks old na ngayon ang dalawang cubs, at super hyper, kaya kailangan silang libangin ng mga zookeepers, gamit ang mga baby pacifiers sa tuwing sila ay may checkup.

Para manatiling nasa iisang posisyon ang mga cubs, habang kinukunan sila ng dugo, binabalot sila ng mga zookeepers sa twalya, na parang lumpia, at nakalabas lang ang kanilang mga buntot.

Ang good news? Malusog ang mga cubs! Parehong nasa 34 centimeters ang haba ng kanilang mga katawan, at ang kanilang mga buntot ay nasa 20 centimeters. Ang mas matanda ay may bigat na 1190 grams, at ang mas bata ay nasa 1090 grams.

Gusto niyong bigyan ng pangalan ang dalawang cubs? Magpunta na sa Taipei Zoo web page, at i-submit ang inyong mga suggestions!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS