Lalaki, binangga ng SUV ang police cruiser at pinatay ang nakasakay na LAPD officer!
Lalake, tini-bone ng SUV ang isang kotse ng LAPD; namatay ang nakasakay na police officer.
Isnag 20-year-old na lalake ang bumangga sa isang police cruiser, para matapos ang isang high-speed chase.
Ang 20-year-old na California man na si Mynor Valera ay humaharap sa murder charge, matapos niyang sadyang banggain ang isang LAPD cruiser, gamit ang kanyang SUV, kung saan namatay ang isang police officer. Ginawa niya ito para pigilan ang pulis sa paghabol sa kanyang kaibigan.
Ayon sa mga kapitbahay, narinig nilang kumakarera sa kalsada ang isang Chevy Camara, at ang SUV ni Varela, bago nangyari ang banggaan.
Nag-U-turn diumano si officer Roberto Sanchez, sakay ang police cruiser, para sundan ang Camaro, matapos itong umandar nang napakabilis.
Hindi malinaw kung nasaan si Valera sa puntong ito, pero nagawa niyang magpaandar ng mabilis, at dumiretso sa gilid ng police cruiser. Namatay si Officer Sanchez, at nasaktan ang kanyang partner na si Officer Richard Medina.
Umalis si Valera mula sa eksena ng banggaan, pero mabilis rin siyang naaresto pagkatapos.
Sa sobrang pagkasira ng police cruiser ay kinailangang hiwain ng rescue team ang pintuan, para maabot ang mga police officers sa loob ng kotse.
Si Valera ay nag-plead ng not guilty sa mga kasong murder, vehicular manslaughter with gross negligence, assault on a police officer, at leaving the scene of an accident.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH