Magnanakaw, nagkunwaring nagbebenta ng gas, para kumita ng pera!
Mga magnanakaw sa Philadelphia, binaril ang isang clerk sa gas station, bago nagnakaw ng gas!
Tatlong lalaki ang ninakawan ang isang gas station sa southwest Philadelphia; hindi sila nakuntento sa kanilang nakuha matapos nilang barilin ang clerk, kaya nagnakaw na din sila ng gas.
Ang 18-year-old na clerk, na nagtratrabaho para makapag-ipon ng pera para sa college, ay napagkamalang delivery man ang unang magnanakaw.
Pagpasok ng pangalawang magnanakaw, tinutukan nito ng baril ang ulo ng clerk.
Nang tinangkang saktan ng magnanakaw ang clerk, aksidenteng napapaputok ang baril, at nasapyawan ng bala ang ulo ng clerk.
Itinago ng tatlong magnanakaw ang clerk sa banyo, at sinabihan itong manahimik.
Tatlong oras din nilang binantayan ang gas station, at pinagsilbihan ang mga customers -- nagbenta sila ng gas sa mababang halaga, para kumita ng mas maraming pera.
Ayon sa pulis, hindi pa sila nakakarinig ng mga magnanakaw na ganito ang modus operandi. At gusto din nilang makausap ang mga customers na nakabili ng murang gas, na binenta sa kanila ng mga magnanakaw, para mahuli ng pulis ang mga ito.
Naniniwala ang mga pulis na nagnakaw pa mula sa dalawang gas stations ang mga magnanakaw, itong mga nakaraang araw.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH