Lalaki, hinandcuff ang kanyang sarili nang apat na oras, sa kulungan ng aso!
Ang lalaking ito ay si Zeng, at tumawag siya sa pulis sa Taitung, Taiwan, para sabihin na hinandcuff niya ang kanyang sarili sa loob ng kulungan ng aso, nang apat na oras, at hindi siya makalabas. Dahil hindi siya makagalaw, ay nawalan ng pakiramdam sa kanyang mga kamay at paa si Zeng.
Ala una nang i-handcuff ni Zeng ang kanyang sarili sa kulungan, at nanatili siya doon ng apat na oras. Ginamit niya ang kanyang ilong para mai-dial ang emergency number sa kanyang smartphone. Matapos siyang iligtas ng pulis, ay inamin ng lalaki na siya mismo ang gumawa nito sa kanyang sarili.
Namaga ang kamay ng lalaki dahil nag-struggle ito para makawala sa handcuffs.
Ininterview ng pulis ang tito ng lalaki, na sinabi sa kanila na ito ang kauna-unahang beses na ginawa ito ng lalaki, pero gawain niya ang hiwain at laslasin ang kanyang sarili.
Nag-alala ang mga awtoridad na saktan ng lalaki ang kanyang sarili, kaya matapos nilang ipadala ito sa ospital, kinontak nila ang pamilya nito para makakuha ng impormasyon.
Isang psychiatrist sa Taitung Hospital ang nagsabing si Zeng ay maaring may sakit na dala ng stress, o baka lulong ito sa droga, o baka ito ay may mental illness.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH