Taiwan legislative speaker Wang Jin-pyng, pinuntahan ang mga student protesters sa Legislative Yuan!
Pulitiko sa Taiwan, nagbigay ng peace offering sa mga Taiwanese student protesters.
Binisita ng Taiwan legislative speaker na si Wang Jin-Pyng ang mga student protesters kahapon, sa parliament building sa Taipei, dalawampu't isang araw matapos nilang simulant ang pag-occupy sa compound, bilang pag-protesta sa kontrobersyal na Taiwan-China Trade Pact.
Si Wang, na sinamahan ng mga legislators mula sa ruling at opposition parties, ay maayos na rumispondi sa hiling ng mga estudyante, na magsagawa ng review mechanism para sa lahat ng cross-strait agreements, bago ito mai-review o approve ng parliament ang trade pact na kasalukuyang pinag-uusapan.
Nangako si Wang na walang cross-party negotiations ang isasagawa, hangga't sa hindi naipapasa ang monitoring bill na ito.
Sa maikling statement sa labas ng legislative compound, pinuri ni Wang ang determinasyon ng mga estudyante, at kung paano nila ipinaglaban ang demokrasya sa Taiwan. Pero sinabi rin niya n asana ay matapos na ang occupation ng parliament, para makapagpatuloy sa pagtrabaho ang parliament.
Nagpunta sa loob ng building si Wang, at nakipagkamayan sa mga estudyante. Limang minute siyang nagtagal sa parliament.
Ayon sa student leader na si Lin Fei-Fan, naramdaman nila ang pagiging sincere ni Wang, at sa kauna-unahang pagkakataon ay pag-uusapan nila ang kanilang pagtigil sa pag-protesta sa parliament.
Pero ang ruling Kuomintang, o KMT party, na kinabibilangan ni Wang, ay hindi raw natuwa sa kanyang ginawa. Ayon sa Caucus whip, naging traydor daw si Wang sa sarili niyang party. Ayon naman sa office ni President Ma, hindi raw alam ng presidente na pupuntahan ni Wang ang mga estudyante. Hindi pa nagsasalita tungkol dito si President Ma.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH