Heroin bricks, pinupusta ng mga high rollers sa isang underground casino sa Taipei!
Mga high rolling gamblers, ipinusta ang mga heroin bricks sa isang ilegal na casino!
Karamihan ng mga tao ang nagsusugal gamit ang chips o cash, at kapag napilitan, mga tseke.
Pero ang mga high rollers sa Taiwan? Buong bricks ng heroin!
Kailan lang ay na-bust ng Taipei Police Department ang bahay ng isang drug dealer, at nadisubre ang isang underground casino sa loob ng bahay, kung saan nagsusugal ang mga high rollers.
Mahigit 40,000 USD in cash ang nasa table, at ang pinakamataas na stakes? Dalawang malaking bricks ng heroin, sa halagang 130,000USD!
Mabilis na pinasok ng pulis ang complex, at hindi nakatakas ang mga nagsusugal, na nahuling nakaupo pa sa table.
Nakaiwas diumano ang mga sugarol sa atensiyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga tasa, para hindi marinig ang kanilang pag-roll ng dice.
Naglagay sila ng maliit na tasa sa loob ng malaking tasa, na puno ng bigas, bago nila ito sineal ng glue. Para hindi sila masyadong maingay.
Kapag nag-roll ka ng dice sa normal na tasa, ang ingay ay maaring maka-istorbo sa mga kapitbahay.
Ang may-ari ng casino, at ang mga nagsusugal, ay inaasahang humarap sa mga kasong drug possession at iba pang criminal charges.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH