Exclusive aerial footage: Taiwanese riot police, nilabanan ang mga student protesters sa Taipei!
Pulis, nakipaglaban sa mga anti-China protesters sa Taiwan!
Panoorin ang exclusive aerial footage ng pakikipaglaban ng Taiwan police at ng mga nagpo-protestang estudyante sa Cabinet Office.
Libo-libong mga protesters ang inokupado ang Taiwan government headquarters, ang Executive Yuan, noong Linggo.
Ang insidente ay nangyari, isang linggo matapos magsimula ang mga demonstrasyon na gawa ng mga estudyante sa Taiwan, March 18, dahil sa kontrobersiyal na trade pact ng Taiwan at China.
Itinawag itong "Sunflower Movement," at nagsimula ito bilang isang mapayapang pag-okupado ng parliament building sa Taiwan, nang limang araw. Pagdating ng panlimang araw, napunta ang atensiyon ng mga estudyante sa nalalapit na Cabinet offices.
Sa loob lamang ng iilang oras, mahigit anim na libong estudyante ang naipon sa compound.
Dahil dito, nag-utos ang gobyerno na magpunat sa eksena ang riot police, para mapaaalis ang mga estudyante. Ito ay nauwi sa bayolenteng paglalaban ng dalawang panig.
Limang libong riot police ang nagpunta sa eksena, hawak ang mga baton at panangga, at napilitang umalis ang mga estudyante.
Nagsigawan ang mga estudyante ng, "Umalis ang pulis," "Bawiin ang trade agreement," at "ipaglaban ang demokrasya," at naghawakan sila ng kamay habang sila ay nakahiga sa kalsada, para hindi sila mapaalis. May mga estudyanteng nilabanan ang pulis, at sila ay nahampas ng baton at panangga. May isang daan at limampung estudyante ang na-ospital.
Pulis, na nakasuot ng riot gear, ay bayolenteng hinawakan at hinatak diumano ang mga braso, balikat, at leeg ng mga estudyante, para maialis ang mga ito mula sa building. Gumamit din sila ng water cannons para mapakalat ang mga ito.
Anim na oras din ang kinailangan ng mga pulis, hanggang halos alas sais ng madaling araw, para mai-clear ang building, at ang mga kalsada na nakapaligid dito.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH