FIFA World Cup 2022: Isasagawa sa Qatar, dahil sa corruption?

TomoNews PH 2015-04-14

Views 2

FIFA World Cup 2022: Isasagawa sa Qatar, dahil sa corruption?



Dating FIFA official, Jack Warner, iniimbestigahan para sa paglalagay!

Nang in-award ng FIFA ang pagkakataong mag-host ng 2022 World Cup sa Arab Gulf state na Qatar, masasabi nating maraming nagulat sa desisyong ito.

Ang Qatar kasi ay maliit lang na estado, na wala ni isang stadium.

Paano sila maghahanda, para sa ganito kalaking event?

Ah, alam naming kung paano -- slave labor.

Bukod sa wala silang stadium, wala ring football tradition ang Qatar...

At isa ito sa pinakamainit na lugar sa buong mundo.

Mayroon din itong konserbatibong lipunan na sinusumpa ang mga gay...

At kung ikaw ay babae at nais mong mag-attend ng World Cup, maghanda ka na sa pagsuot ng damit na ganito.

Huwag ka na ring umasa na makakainom ng beer habang nanonood ng laro; ilegal ang pag-inom ng alak sa karamihan ng lugar doon.

So paanong nakumbinsi ng Qatar ang FIFA, na mas magaling sila kaysa sa Estados Unidos,at iba pang mga bansang nais mag-host ng World Cup? Ayon sa international investigation, may 1.6 million na paraan -- kasama na dito ang corruption sa proseso ng pag-bid.

1.6 million daw ang ibinayad sa dating FIFA vice president na si Warner, at isa sa kanyang mga employado, ng isang Qatari company na sangkot sa pag-bid ng bansa. May mga dokumento raw na masusuporta ang alegasyon na ito, ayon sa British paper na Telegraph.

Parehong nag-iimbestiga ang FBI at FIFA, at marami opang detalye ang siguradong lalabas sa darating na mga linggo. Si Warner, sa ngayon, ay tumangging magbigay ng comment tungkol sa issue.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS