VIDEO: 350-pound na magnanakaw, isang taon nang hinahanap ng pulis!
Ito ang Kent's Meats and Groceries, sa Redding City, northern California -- eksena ng paggala ng isa sa pinakabihirang uri ng hayop -- ang fatty prowler! Ano ang habol ng fatty prowler na ito? Pastrami.
Suot ang black and white na Hammer pants na matagal nang hindi nauso, maingat na tinitingnan ng prowler ang kanyang target.
Ayan! The coast is clear!
Nagsuot siya ng pantyhose sa kanyang mukha, para hindi siya makilala. Hindi malaman ng mga researchers kung bakit niya ito ginawa matapos niyang ipakita ang mukha niya sa camera, pero it ang kanyang gawain.
Nang makakuha siya ng sapat na lakas ng loob, ginamit ng prowler ang lakas at bilis, at naghagis ng bato sa salamin na nakaharang sa kanyang target! Hindi ito umubra! Sa kanyang gulat sa security alarm at sa kanyang pagkakabigo, umalis ang fatty prowler.
Salamat sa video na ito, ay mae-examine natin nang husto ang big fat flop ng fatty prowler.
Kahit na siya ay mataba at malaki, hindi niya nakayanan ang salamin.
Sa kanyang pagka-sensitibo sa tunog ng alarm, mabilis siyang napaatras, at siya ay napatid nang isa, dalawa, tatlong beses.
Isang taon nang hindi nare-report ang pagkakita sa kakaibang urin ng hayop na ito, kahit na laging nakabantay ang local police.
Kailan kaya natin makikitang muli ang fatty prowler na ito?
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH