Taiwanese public servant, nag-order ng prostitute mula sa kanyang opisina!

TomoNews PH 2015-04-14

Views 8

Taiwanese public servant, nagtatawag ng bugaw at prostitute mula sa trabaho!



Taiwanese public servant, nag-order ng prostitute mula sa kanyang opisina!


Ang 43-year-old na Taiwanese na si Lee Yong Qing (李永慶),
na nagtatrabaho sa district office sa Taichung City, ay nahuling nagtatawag ng mga prostitute habang siya ay nasa trabaho.

Noong isang buwan, habang siya ay on duty, kinontak ni Lee ang isang bugaw, gamit ang kanyang office computer. Matapos makumpirma ang oras at lugar, nagtanong daw si Lee tungkol sa mga estudyanteng prostitute.

Nang tinaas ng bugaw ang presyo mula 5,000 hanggang sa
7,000 NT, nag-alok si Lee ng 3,000 NT dollars.

Lumabas ang skandalo matapos magpa-press conference ng city councilor na si Hsieh Zhi-Zhong (謝志忠) kahapon, kung saan nailantad ang detalye ng pag-uusap ni Lee at ng sex dealer.

Hindi na raw ito isang one-time na insidente, at ang mga tao sa opisina ay hindi na nakayanan ang ginagawa ni Lee. Kinunan nila ito ng litrato, at nakumpirmang tutoo ang ebidensiya.

Sinumpa ni Hsieh ang city government at ang kakulangan nito ng office management. Pero dineny ni Lee ang mga akusasyon laban sa kanya. Kahit raw na imbestigahan siya ay wala silang magagawa dahil siya ay isang public servant, at maari lang siyang ilipat sa ibang department o opisina. Sinabi rin niya na may nagpa-plano nang hindi maganda laban sa kanya. Siya raw ay may kritikal na sakit, at hindi nya magagawa ang binibintang sa kanya.

Kahit na sinabi ni Lee na siya ay may Muscular Dystrophy, ang kanyang paggalaw at pagkilos nang normal ay kabaligtaran ng kanyang statement.

At ayon sa imbestigasyon, ang kanyang Yahoo account ay konektado sa isang prostitution forum noong isang taon pa.

Si Lee ay nadisiplina ng dalawang demerit points, at na-transfer sa ibang opisina. Siya ay maari pa ring makatanggap ng year-end bonus, pero ito ay na-downgrade mula sa isa't kalahating buwan na sweldo, sa kalahating buwan na suweldo na lang.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS