Gregory Sanders, pinatay ng pulis matapos niyang patayin ang sarili niyang ina!
Isang lalaki sa Cincinnati na may dalang rifle ang nabaril ay napatay ng mga police officers, matapos niyang aminin na sinaksak at pinayat niya ang sarili niyang ina.
Si Mark. R. Foster ay nagising nang binasag ni Gregory Sanders ang bintana sa kanyang bahay, Lunes ng umaga.
Sinabi ni Sanders kay Foster na "kapapatay" lang niya sa kanyang ina, na kanyang sinaksak ng ballpen sa ulo. Tumawag ang nagulat na si Foster sa 911.
Pagdating ng apat na officers, nakita nila mula sa screen ng pintuan na nakaupo sa sala si Sanders.
Sinubukan nilang ipababa kay Sanders ang kanyang hawak na baril, pero sinugod niya ang mga pulis, na walang nagawa kung hindi barilin na si Sanders. May dalawampung bala ang nagamit ng mga pulis.
Nalaman na lang ng pulis pagkatapos ng insidente, na ang Chiang Kai-shek na rifle ay wala palang bala, at wala rin silang nahanap na ammo sa loob ng bahay.
Ang lahat ng mga nasangkot na pulis, na mga beterano, ay nabigyan ng mandatory 7-day leave, habang iniimbestigahan ang kaso.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH