NYC Mayor Bill de Blasio, nag-speeding matapos magbigay ng traffic safety speech!
Iba yata ang pagkakainitindi ng mayor ng New York na si Bill de Blasio sa mga batas sa kalsada. Ilang araw matapos siyang mangako na pigilan ang delikadong pagmamaneho sa siudad, ay nahuling lumabag sa iilang mga traffic safety laws ang kanyang caravan.
Binilang ng WCBS-TV/Channel 2 ang mga points na makukuha ng mayor, kung siya ay ituturing na normal na motorist.
Driving or rolling through a stop sign: 3 points.
Pag-ulit ditto: 3 points.
Lumampas ng 10 mph sa speed limit na 30 mph: 3 points.
Lumampas ng 15 mph sa speed limit na 45 mph: 4 points.
Ang caravan ng mayor ay nagpalit din ng lane nang hindi sumi-signal, at blinock pa ang traffic sa harap ng City Hall.
Sa New York, maaring masuspinde ang iyong lisensiya kapag nakakuha ka ng 11 points. Sa isang biyahe lamang sa Queens, ay naka-ipon nan g 14 points ang mayor.
At ito ay katatapos lang ng kanyang pangako na sundan ang sarili niyang batas, noong Martes.
Sa kanyang press conference, sinabi niya na mataas ang standard ng mga batas sa kalsada ng New York, at nais nilang iparating sa publiko na balak nilang sundan ang mahigpit na batas, para sa kabutihan ng lahat.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH