Pitong Japanese divers sa Bali, nawala; lima pa lang ang nahahanap
Nagbigay ng press conference ang mga Indonesian officials noong Lunes, at sinabing lima sa pitong Japanese na babaeng divers na nawala sa Bali noong Valentine's Day, ay natagpuang buhay.
Ang grupo ay nagpunta sa Nusa Penida mula sa Bali noong Biyernes.
Sila ay nag-dive nang dalawang beses noong araw na iyon, pero hindi na sila bumalik matapos ang kanilang pangatlong dive. Nireport ng kapitan ng kanilang barko ang kanilang pagkawala sa Indonesian Marine Police.
Habang sila ay hinahanap ng mga rescuers, lima sa pitong babae ang unang natagpuan ng mga mangingisda noong Lunes ng hapon. Sila ay magkasamang nakaupo sa taas ng isang malaking coral reef, naghihintay ng tulong.
Ang limang survivors ay dinala sa ospital, at wala sa kanila ang seryosong nasaktan. Pero may dalawa pang babae ang kasalukuyang nawawala. Patuloy na naghahanap ang mga Indonesian rescuers para sa kanila.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH