Brad George, 16, pinatay ang sariling ina sa pamamagitan ng dumbbells!
Nagbigay ng malungkot na interview si Brad George, matapos matagpuan ang kanyang ina na si Georgina -- na namatay dahil sa puwersa ng dumbbell.
Ayon sa 16-year-old, tinawagan niya ang 911 matapos niyang makitang nakabukas ang pintuan ng kanilang bahay, pagkauwi niya galing sa school. Pero nagkasuspetsa ang pulis nang nakita nila ang twin dumbbell sa kuwarto ng teenager.
Noong una ay dineny ni Brad ang lahat, pero noong Linggo, ay umamin na rin ito sa pulis.
Noong Huwebes ng gabi, sinira niya ang security lock sa pinto ng kwarto ng kanyang ina, at pinasok niya ang kuwarto.
Nagkaroon si Brad ng isang psychotic episode, at inakala niyang nilalason siya ng kanyang ina, gamit ang bleach.
Hinintay niyang magsimulang humilik ang kanyang ina, at ilang beses niyang hinampas ng dumbbell ang ulo nito.
Inaresto ng pulis si Brad, dalawang araw matapos mangyari ang insidente. Siya ngayon ay humaharap sa kasong first-degree murder, bilang isang adult.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH