Petition para i-deport si Justin Bieber, may 100,000 signatures na!
Umabot na ng isang daang libong signatures ang petition na ipa-deport ang Canadian pop star na si Justin Bieber mula sa Estados Unidos, at ang ibig sabihin nito ay kailangan na itong bigyang-pansin ng White House, at maglabas ng official response.
Si Bieber ay naaresto noong isang linggo para sa kanyang drag race kuno, kung saan nagmaneho ito sa bilis na may 60 miles per hour.
Naaresto siya para sa DUI at resisting arrest, pero makislap pa rin ang kanyang ngiti sa kanyang mug shot.
Isang oras lang naman siya nakulong -- na kinalungkot ng mga anti-Beliebers.
At bagamat maraming tao ang nais siyang ipa-deport pabalik sa Canada, marami din siyang taga-suporta.
Isang Belieber ang nag-umpisa ng isang counter-petition, at nagmamakaawa kay President Obama na huwag patalsikin sa bansa si JB.
Sa dinami-dami ng dapat asikasuhin ng gobyerno, kailangan pa ba nilang sayangin ang oras nila sa gantiong klaseng kaso? Mag-iwan ng opinyon sa comments.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH