VIDEO: Mabait na pulis sa Texas, sinamahang maglaro ng football ang isang bata
Bihira lang na maging viral ang isang magandang istorya. Pero ang kuwentong ito, na walang kasamang pusa, twerking, pambubugbog, o Bieber, ay mabilis na kumalat.
Isang squad car dash cam video, na nai-record sa Rosenburg, Texas, noong Sabado, ay ipinapakita ang isang police officer na nakitang naglalaro ng football na mag-isa ang isang batang lalaki, bago niya ito sinamahan.
Ang video, na unang ipinost sa Rosenburg PD page sa Facebook, ay nakita ng local media, at kumalat na sa iba't ibang websites.
Ang isa pang bida ng video na ito ay ang 10-year-old na batang si Jermaine Ford, na sinabing paglaki niya ay gusto niyang maging isang football player, o kaya isang police officer.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH