Ito na ba ang pinakamalas na bahay sa Estados Unidos?

TomoNews PH 2015-04-27

Views 17

Ito na ba ang pinakamalas na bahay sa Estados Unidos?

Ito sina Tim at Leigh McCall ng Indianapolis, Indiana, sa Estados Unidos. Sila ay nakatira sa pinakamalas na bahay sa buong mundo.

Kailangan nilang tumawag ng Chinese Feng Shui master...

O gumawa ng isang exorcism...

O baka kailangan ng siudad na magpatayo ng mga signs, speed bumps, at iba pang mga bagay na makakatulong...

Dahil ang bahay na ito ng mag-asawang McCall ay labing-isang beses nang nababangga ng mga sasakyan sa loob ng tatlumpung taon! Ang pinakalatest ay ilang araw lamang bago mag-bagong taon!

Tatlong dekada nang naninirahan sa tahimik na lugar na ito ang mag-asawa, at bawat tatlong taon ay may kotseng bumabangga sa kanilang bahay.

Ilang beses na itong nangyari habang nasa loob ng bahay ang mag-asawa, at bagamat ilang beses na rin silang muntikang masaktan...

Ay nasanay na rin sila na makakita ng kotse sa gitna ng kanilang bahay.

Ang pang-labing-isang pagbanggga ay nangyari, ilang araw lamang bago mag-bagong taon. Isang babae ang nawalan ng kontrol sa kanyang SUV, at ito ay bumangga sa bahay ng mga McCall.

Ayon sa mag-asawa, regular na nilang nai-report ang mga insidenteng ito sa gobyerno ng siudad, pero walang nangyari.

Ayon din sa kanila, kaya may labing-isang banggaan sa loob ng tatlumpung taon, ay dahil maraming mga driver ang napapabilis ang takbo sa malapit na train crossing, at pagkatapos ay napapa-left-turn sila -- diretso sa bahay.

Buti na lang at wala pang namamatay o nasasaktan sa mga naturang banggaan...pero labing-isang beses sa loob ng tatlumpung taon?! Sumobra naman yata sa kamalasan iyan!

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS