Lalake, inasulto ang isang babaeng tumangging ibigay sa kanya ang phone number!
Isang lalake sa Chicago ang umatake sa isang babae, na tinangka rin niyang nakawan, matapos tumanggi ang babae na ibigay sa lalake ang kanyang phone number sa tren.
Hiningi ng 24-year-old na si Denzel Rosson ang phone number ng isang 21-year-old na babae, sa L train, Lunes ng gabi. Tumanggi ang babae, at lumipat sa kabilang tren…sinundan siya ng lalake.
Nang bumaba ang babe sa Roosevelt Station, sinundan siya ni Rosson hanggang sa South Wabash Avenue.
Sinubukan ng babae na tumawag sa pulis, pero na-headlock siya ni Rosson, na sinuntok din siya sa mukha, at tinangkang nakawin ang kanyang telepono at bag, bago ito tumakbong paalis.
Nagtago si Rosson sa isang nalalapit na restaurant, kung saan siya ay naaresto, makalipas ang ilang minuto. Siya ay nakasuhan ng btattery at attempted robbery.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH