Chinese na bilyonaryo, gustong tulungan ang mga naghihirap na Amerikano!

TomoNews PH 2015-05-12

Views 8

Chinese na bilyonaryo, gustong tulungan ang mga naghihirap na Amerikano!

Maaring kilala niyo si Cheng Guangbiao bilang Chinese na negosyante na hindi nagtagumpay sa pagbili sa New York Times.

Nakilala siya sa Internet para sa kanyang nakakalokang mga business card titles, gaya ng "China's Moral Leader" at "Most Charismatic Philanthropist."

Ngayon, ang renewable energy billionaire ay gustong maging most charismatic philanthropist sa Amerika...isang posisyon na kasakuluyang hinahawakan ni Khaleesi, ng Game of Thrones.

Noong isang linggo, kumuha ng full-page ad sa New York Times si Chen, at inimbita ang isang libong "poor and destitute Americans" sa isang lunch.

Kasama raw niya ang isang "famous American charity" sa pag-host ng luncheon, na isasagawa sa June 25, sa Central Park Boat House restaurant sa New York, kung saan ang fish and chips ay nasa halagang 24 dollars.

Bukod sa libreng lunch, nangako rin si Chen na bigyan ang lahat ng magpunta ng 300 dollars in cash, para sa occupational training.

Ang 1 million event na ito ay para daw mabago ang pagtingin ng Estados Unidos, pagdating sa mga Chinese na negosyante.

Ang kapalit para sa bawat tao na magpupunta sa lunch na ito? Pakinggan si Chen na kumanta ng "We Are The World."

Kung ikaw ay isang 'poor and destitute American,' mag-reply sa Hotmail address na nakalista...see you there!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Share This Video


Download

  
Report form
RELATED VIDEOS