Naranasan niyo ba ang "Polar Vortex" sa US at Canada?
Para sa mga Amerikano, hindi sapat na tawaging "cold front" o "severe cold front" ang kakaibang ginaw na nagaganap sa Estados Unidos ngayon. Ang tawag nila dito? "Polar Vortex!"
Alam namin na ang polar vortex ay tutoong term para sa panahon...pero medyo nasobrahan na kami sa pag-report nito ng media.
Talaga nga bang halos mamatay na ang babaeng ito? Halos mahigop na nga ba ang kanyang sinasakyan na eroplano sa vortex?
Okay, to be fair...ang panahon ngayon North Amerika ay napakasama. Sa Kentucky, isang kriminal na tumakas mula sa bilangguan ang bumalik sa kulungan matapos ang isang araw, dahil hindi niya ma-take ang ginaw.
Natuwa ang mga bata at nainis ang kanilang mga magulang, nang isinarado ang mga eskuwelahan, opisina at daanan sa bansa, nang umabot sa minus 20, 30 at 40 degrees celsius ang ginaw.
Sa Chicago, isang polar bear sa Lincoln Park Zoo ang ipinasok sa loob dahil masyado nang maginaw doon. Pati polar bear, giniginaw!
Sa Manitoba Province sa Canada, umabot sa minus 53 degrees Celsius! Para maintindihan natin ang ganitong klaseng ginaw, ang Curiosity Rover robot na nasa Mars ngayon ay nakaranas ng minus 29 itong linggo. Mas maginaw na sa earth kaysa sa Mars!!!
May dalawang libo at limang daang flights sa Estados Unidos ang na-cancel, at naitawag ang pulis sa Pearson Airport sa Toronto, para ma-kontrol ang mga taong galit at gustong umalis.
Maraming nagbabanggit ng global warming, dahil ngayon lang nila na-realize na ang climate change ay hindi lang tungkol sa napakainit na summer.
Bilang pagtatapos, ang 2014 Polar Vortex ay resulta ng isang bihirang kombinasyon, kung saan kabilang na rin ang climate change. Ito ay isang 'once in a generation' na pangyayari, na mukhang hindi na hihintayin na dumaan pa ang isang henerasyon bago ito maulit.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories