Taiwanese drug dealer, naaresto habang umiihi; police shootout sa Taipei

TomoNews PH 2015-05-12

Views 28

Taiwanese drug dealer, naaresto habang umiihi; police shootout sa Taipei

Isang drug dealer, naaresto habang umiihi!

Isang shootout at nangyari kagabi sa Xizhi, Taipei, nang hinuli ng local police ang isang drug dealer habang ito ay umiihi. Apatnapung pagputok ng baril ang lumabas sa pagitan ng suspect at ng pulis, kung saan maraming mga nalalapit na building ang natamaan.

Ang suspect ay may kargang droga, gaya ng heroin at MDMA, pati na rin ang iilang firearms at ammunition. Ayon sa pulis, madalas dawn a mag-take-advantage ang suspect pagdating sa ibang drug dealers. Dahil dito, marami siyang kaaway, kaya palagi siyang may kargang armas.

Ilang buwan nang wanted ang suspect, at siya ay sinusundan ng pulis simula pa noong Nobyembre. Kagabi ay natagpuan ang suspect sa Shilin kasama ang kanyang asawa, at siya ay inambush ng tatlong agents habang siya ay umiihi sa isang parking lot, kung saan naka-park ang kanyang sasakyan.

Hindi na naisara ng suspect ang zipper ng kanyang pantalon, pero mabilis itong humugot ng dalawang baril. Pinaputukan niya ang pulis, pero tinamaan siya ng bala sa kanyang kamay at hita. Nang inakala ng pulis na nawalan na siya ng bala, humugot ang suspect ng pangatlong baril at muling nagpaputok. Apat na beses siyang binaril ng pulis bago nila ito naawat. At kahit maraming beses siyang nabaril, ligtas ang buhay ng suspect.

Nasindak at nagulat ang mga residente kung saan nangyari ang shootout. Akala raw nila ay mga paputok lang o fireworks ang kanilang narinig -- hindi nila akalain na barilan pala iyon.

Ayon sa pulis, dalawampung beses silang nagpaputok. Labing-tatlong beses gamit ang M4, at pitong beses gamit ang dalawang pistol.

Nakatakas ang asawa ng suspect sa gitna ng kaguluhan. Nagtago ito sa isang restaurant, pero pinaalis siya ng may-ari. Siya rin ay naaresto.

Ayon sa pulis, ang bahay ng suspect ay puno ng armas -- natagpuan nila ang anim na baril at apat na daang bala. Ang kaso ay kasalukuyang iniimbestigahan.


For news tha

Share This Video


Download

  
Report form