Solusyon sa smog sa China: mga building na hinihigop ang smog!
Ang solusyon sa smog sa Beijing: mga building na kumakain ng smog?
Isang malaking problema sa Beijing, at dalawampu't limang probinsiya sa China, ang mabigat na usok at maruming hangin. Kung hindi pa rin nakakatulong ang pagdagdag ng mga puno at halaman, paano pa malilinis ng China ang kanilang hangin?
Ang solusyon: isang building na kumakain ng smog! Ayon sa disenyo ng Elegant Embellishments na mula sa Berlin, ang materyal na ginamit sa Torre de Especialidades sa labas ng isang ospital sa Mexico City, ay nakakabawas sa smog na nagmumula sa mga dumaraang sasakyan.
Isang layer ng titanium dioxide, na matatagpuan din sa sunblock at pintura, ay nilalagay sa mga tiles na nasa building. Kapag ito ay nae-expose sa ultraviolet rays mula sa araw, ang titanium dioxide ay pinapalitan ang smog, para maging tubig o carbon dioxide.
Ang kakaibang hugis ng building, na parang beehive, ay sadyang ginawa para mas malaking bahagi ng building ang maabutan ng araw. Ayon sa mga designers, ang mga smog-eating tiles na ito ay pinakamabuting gamitin parasa mga parking lot, sky bridge, at mga bus station.
For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH
Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH
Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH