Itinuturing na pinakamahaba sa Timog-Silangang Asya at pang-labindalawa sa buong mundo ang Ilog Mekong, na tumatawid sa China, Myanmar, Laos, Thailand, Cambodia at Vietnam. Bukod sa haba nito, mayroon ding dinarayong iba pang parte nito na siyang binabalik-balikan ng mga turista at nagsisilbi ring kabuhayan ng milyon-milyong tao.