Araw-araw na pagsubok para sa mga guro sa General Nakar, Quezon ang pagpunta sa Malining Elementary School na siyang pinakamalayong eskuwelahan sa bayan. Para makapagturo, kailangan nilang umakyat ng bundok at tumawid sa ilog bitbit ang sako-sako ng mga gamit pang-eskuwela. Kilalanin ang mga guro ng Malining sa dokumentaryong ito ni Kara David.