"I woke up today, and actually wanted to have a positive vlog, and be happy. But it's really difficult at the moment for me. There are just so many things going on right now, and I just want to go home to Manila."
Nagtatrabaho sa Metro Manila at madalas bumibiyahe sa buong Pilipinas ang Austrian travel vloggers na sina Mike at Nelly. Nang magpatupad ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic, kasama sila sa mahigit 700 turistang na-stranded sa CARAGA Region na bahagi ang Siargao.
Sa loob ng halos 90 araw na pananatili sa isla, paano kaya nila nalampasan ang mga pagsubok sa kanilang biyahe? Alamin sa video na ito! #Quarantours