RTx: SEAMAN NA STRANDED SA SRI LANKA, HINDI NA MULING NAKAUSAP NG PAMILYA!

GMA Public Affairs 2020-08-10

Views 16

STRANDED PINOY SEAMAN SA SRI LANKA, NAPILITANG UMINOM NG TUBIG-DAGAT AT HINDI NA MULING NAKAUSAP PA NG PAMILYA!

"Umiinom na lang daw ng tubig-dagat 'yung kapatid ko. Nagkakasakit na sila. 'Yung ibang patay na kasama niya, nasa freezer na lang. Sa sobrang lungkot ng kuya ko, gusto na niyang tumalon daw ng barko at baka sakaling mapauwi na siya ng Pilipinas".

Ganyan ang naranasan ng Pinoy seaman na si Robert Maguigad sa isang fishing vessel na stranded sa Sri Lanka sa gitna ng pandemya. Dahil sa kawalan ng pagkain at maiinom, napilitan siya at ang ilan niyang kasamahan na uminom ng tubig-dagat na dahilan para sila'y magkasakit. Dahil sa kanilang mahirap na sitwasyon, pumanaw na raw ang ilan sa kanila at inilagay ang bangkay ng mga ito sa freezer! Pero bukod sa kakulangan sa tubig at pagkain, nakararanas pa raw ng diskriminasyon ang mga seafarer na nagtatrabaho sa fishing vessel.

Sa huling pag-uusap ni Robert at ng kanyang pamilya, tanging hiling lang niya ang makauwi na sa Pilipinas at muling makapiling ang pamilya. Hanggang ngayon, hindi pa muling nakakausap ng pamilya si Robert. Nasaan na kaya ang stranded na seaman? May umaksyon kaya sa kanyang panawagan? #RTx

Share This Video


Download

  
Report form