Ria Atayde ikinuwento ang "heavy" experience nila ng kapatid na si Arjo | PEP Exclusives

PEP.ph 2020-08-26

Views 19

Bukod sa pagiging TV host ngayon ni Ria Atayde, marami pang ibang bagay tungkol sa kanyang career at personal na buhay ang napag-usapan sa kanyang PEP Exclusives interview via Zoom.

Pag-amin niya kina PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) senior staff writer Jimpy Anarcon at deputy news editor Rachelle Siazon, marami pa siyang kailangang i-improve sa kanyang pagiging host sa TV5 morning show na Chika Besh.

Isa si Ria sa tatlong hosts ng bagong Kapatid network show. Kasama niya sa Chika Besh sina Pauleen Luna at Pokwang.

Pero kahit nasa bagong field of entertainment, mas matimbang pa rin daw kay Ria ang pag-arte sa harap ng kamera.

Pinakuwento tuloy sa kanya ng mga kausap na PEP staff kung paano siya nagsimula bilang aktres.

At dahil parehong kilalang mahuhusay na artista ang inang si Sylvia Sanchez at kapatid na si Arjo Atayde, ano ang reaksyon ni Ria kapag ikinukumpara siya sa mga ito?

Pagdating naman sa mas personal pang pagkilala kay Ria, aminado ang 28-year-old actress-TV host na hindi niya talaga mapigilan ang pagiging prangka.

Sa usaping puso naman, nag-share ng tips at insights ang Kapamilya actress tungkol sa pagpasok sa isang relasyon at pagiging single.

Para mas mapasaya ang kanilang tsikahan, sumalang na rin si Ria sa PEP Challenge nina Jimpy at Rachelle na "3s in 5" questions.

Dito, may binalikan na alaala si Ria na hindi nila malilimutan ng kuya niyang si Arjo.

Nai-share ni Ria ang Typhoon Ondoy experience nila ng kanyang pamilya nung 2009.

Kuwento niya, takot na takot daw sila noon dahil sa bagyo.

Matatandaang isa ang Ondoy sa pinakagrabeng bagyo na tumama sa Pilipinas.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, 671 katao ang nasawi dahil sa Ondoy at nagdulot ito ng danyos na umabot sa halagang PHP 11,157,508,720.60.

Natatandaan pa ni Ria ang bilin sa kanila ng inang si Sylvia habang humahagupit ang bagyo at patuloy ang pagtaas ng baha, "Mga anak, huwag kayong matakot.

"Basta pag nagkawalaan tayo, mag-swimming kayo papuntang Corinthians."

Nakatira noon ang pamilya nina Ria sa isang village sa Cainta, Rizal. Ang tinutukoy ni Sylvia na Corinthians ay ang Corinthian Gardens Subdivision kung saan nakatira naman ang mga magulang ng ama ni Ria na si Art Atayde.

Gulat na reaksyon daw ni Ria sa sinabing iyon ng kanyang ina, "Oh, my God! Is the whole Philippines under water? Is this the end of our lives?

"Are we gonna die?"

Mula sa kuwentong ito ni Ria ay nagtuloy na sa kung paano sinuong ng kanilang pamilya ang baha para makarating sa Corinthian Gardens.

Sa kuwento rin niyang ito, may naibuko si Ria tungkol kay Arjo, na bigla namang nagpakita habang nagaganap ang kanyang PEP Exclusives interview.

Share This Video


Download

  
Report form