Aired (January 16, 2021): Taon-taon, 10 hanggang 60 porsiyento ng mga palayan sa Pilipinas ang sinisira ng mga daga, partikular na sa bayan ng San Luis sa Pampanga. Dahil dito, hinihikayat ang mga magsasaka na maging "mandadaga". Epektibo nga ba ito gayong sa loob lamang ng 10 buwan, ang isang pares ng daga ay posibleng makapagparami ng hanggang limandaan?