Narito ang mga nangungunang balita ngayong TUESDAY, OCTOBER 19, 2021:
- "No vaccine, no salary" scheme ng ilang kumpanya, pinaiimbestigahan ng TUPC sa DOLE
- Ilang commuter, nananawagang dagdagan ang mga bumibiyaheng PUV
- BOSES NG MASA: Sang-ayon ba kayo na dagdagan ang pasasakayin sa mga pampublikong sasakyan?
- Ilang pasahero ng EDSA carousel, mas inagahan ang pagpila para hindi mahirapang sumakay
- Vice President Leni Robredo, bumisita sa Marawi at ipinaliwanag kung bakit kulang pa ng isa ang kanyang senatorial slate, Presidential aspirant Ka Leody de Guzman, handang umatras kung dadalhin ni Vice President Leni Robredo ang kanyang plataporma. Mayor Isko Moreno, pinag-aaralan pa nang mabuti kung sino ang idadagdag sa kanyang senatorial lineup. Oath-taking ng mga bagong miyembro ng People's Champ Movement, dinaluhan ni Senator Manny Pacquiao. Bong Revilla: Wala akong planong tumakbong pangulo
- Mga driver, umaaray na sa sunod-sunod na taas-presyo sa petrolyo
- Asong agaw-eksena sa birthday ng kapwa aso, kinaaliwan ng netizens
- 633 bagong kaso ng delta variant, naitala
- Michael V., nagbabala tungkol sa delivery scam matapos mabiktima ang kanyang kasambahay
- Clinical trial ng isang covid-19 vaccine mula China, ipinatigil dahil wala umanong koordinasyon sa LGU | Mga resort sa Iloilo, dinagsa nitong weekend | Baha sa sementeryo, perwisyo sa mga bumisita sa puntod ng kanilang yumao
- Dalawang grupo ng kabataaan, nagsuntukan sa gitna ng kalsada
- Mas maraming trabaho, nagbukas matapos ibaba sa Alert Level 3 ang NCR
- Patakaran sa pagbiyahe ng mga menor de edad at 66-anyos pataas, nililinaw pa ng MMDA
- Mga pasahero sa PHILCOA, dumarami na
- Pila sa EDSA carousel sa EDSA-Q mart, mahaba na COVID-19 cases update
- Cobra na pumasok sa isang bahay sa Laoag, Ilocos Norte, napatay | Ahas sa kable, nagdulot ng brownout sa isang barangay sa Pigcawayan, Cotabato
- COMELEC, umaasang madadagdagan pa ang 63-M Pilipinong rehistrado para bumoto sa #Eleksyon2022
- "Dolomite queen", agaw-eksena sa kanyang red bikini
- Online booking system para sa mga bibisita sa sementeryo sa San Juan, ni-reactivate
- Kapuso personalities at shows, wagi sa 34th PMPC star awards for television
- Trendy pandemic businesses