Dapat na bang itaas sa Alert level 4 ang Metro Manila? | Stand for Truth

GMA Public Affairs 2022-01-13

Views 165

Sa pinakahuling tala ng OCTA Research, nasa 48% ang positivity rate sa NCR. Sa bawat dalawang tine-test, isa ang nagpopositibo sa COVID-19. Dahil dito, sinabi ng grupo na may severe outbreak na sa rehiyon.

Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at paglala ng bantang dala ng Omicron variant, palaisipan kung sapat na nga ba ang Alert level 3 sa NCR o dapat na itong itaas sa mas mahigpit na Alert level 4.

Alamin ang sagot sa panayam ni Richard Heydarian kay Dr. Anthony Leachon, ang dating National Task Force against COVID-19 adviser. Panoorin ang video.

Share This Video


Download

  
Report form