Sa darating na eleksyon matindi ang hamong haharapin ng bagong uupong pangulo. Kabilang dito ang malaking utang ng bansa na umaabot sa P11 trilyon, pagbangon ng ekonomiya, kawalan ng trabaho at patuloy na kahirapan. Ayon sa public finance and tax reforms expert na si Dr. Milwida Guevara, kailangang pag-aralan at tutukan ang kita at buwis ng bansa, pati na ang tamang alokasyon at paggamit ng pondo para masolusyunan ang problema sa utang at ekonomiya ng bansa.
Ang kanyang paliwanag sa isyu, alamin sa episode na ito ng The Mangahas Interviews.