Ilan sa mga kababayan nating nagtatrabaho sa Hong Kong ang nahihirapan sa gitna ng muling paglobo ng mga kaso roon. Isang OFW ang nagpositibo sa araw ng kanyang flight pauwi ng Pilipinas at hindi na pinasakay ng eroplano pati ang dalawa niyang kasamahan. Ilang Pinoy domestic workers din umano ang sa bangketa na lang natutulog habang naghihintay ma-admit, dahil punuan na ang mga ospital.
Sa Pilipinas naman, handa na sanang lumipad patungong Hong Kong ang nasa 4,000 OFW pero dahil sa flight ban ay nakukuha nang mag-expire ng kanilang mga visa. Ang iba pang mga detalye sa video.
BASAHIN: https://www.gmanetwork.com/news/pinoyabroad/news/822465/some-ofws-with-covid-19-in-hong-kong-wait-outside-hospitals-due-to-full-capacity/story/