"Hindi po ibig sabihin na wala na ang virus. Hindi po ibig sabihin na safe na tayo from the virus." - DOH Usec. Maria Rosario Vergeire
Mula March 1 hanggang 15 ay isinailalim ang NCR at iba pang lugar sa COVID-19 Alert Level 1. Ibig sabihin, mas lumuwag na ang paghihigpit sa galaw ng mga tao.
Pero ayon kay Health Usec. Vergeire, dapat panatilihin pa rin ang pagsunod sa basic safety protocols para maiwasan ang hawaan ng virus gaya ng pagsusuot ng face mask, social distancing at pagpapabakuna. Ano nga ba ang basehan ng gobyerno sa pagbaba sa Alert Level 1 at paano masisiguro na hindi na babalik ang mga lugar na ito sa mas mataas na alert level? Iyan ang pinag-usapan sa episode na ito ng The Mangahas Interviews.