Kabilang ang billiards legend na si Efren 'Bata' Reyes sa walong manlalarong ipadadala ng Billiards Sports Confederation of the Philippines (BSCP) sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa darating na Mayo.
Sa pagkakataong ito, susubukang higitan ni Efren ang nakuhang bronze medal noong 2019 para sa one-cushion carom.