Aired (April 2, 2022): Nitong Marso, binawian ng buhay ang 45-anyos na babaeng si Marissa Espinosa at ang kanyang 28-anyos na manugang na si Carol Mamaril. Walang awa silang pinagsasaksak ng isang lalaki sa loob ng kanilang inuupahan sa Sta. Rosa, Laguna. Dalawang tama sa ulo, apat sa harapang bahagi ng katawan at tatlo sa likuran ang tinamo ni Marissa habang dalawang tama sa ulo, isa sa leeg at isa sa balikat ang tinamo ni Carol. Ang buong detalye, panoorin sa video.