Hindi man siya nagtapos ng kursong social work, dala raw ni Sec. Erwin Tulfo sa DSWD ang karanasan niya sa serbisyo publiko bilang mamamahayag. Sa kanyang unang linggo sa tungkulin, pinag-aaralan na raw niya ang ilang solusyon para mas maayos na makapag-abot ng tulong sa mga mamamayan, pamilya, at komunidad na may iba’t ibang antas ng pangangailangan.
Kabilang dito ang digitization para ma-centralize at maiwasan ang pang-aabuso sa sistema, pati na ang posibilidad ng lump sum na pamamahagi sa 4Ps beneficiaries, nang mabigyan sila ng pagkakataong “maka-graduate” sa kanilang pamumuhay.
Anu-ano pa ang mga nais tutukan ni Sec. Tulfo? Panoorin ang kanyang panayam sa The Mangahas Interviews.