Narito ang mga nangungunang balita ngayong MIYERKOLES, JULY 27, 2022:
• 2 bangka, tumaob sa Taguig River Festival; search and rescue operations para sa 1 lalaki, patuloy
• Pamilya ni Jeneven Bandiala na nasawi sa Ateneo shooting, naghihinagpis sa sinapit ng kaanak | Labi ni Bandiala, iuuwi sa Misamis Occidental para doon ilibing | Mga kaanak at kaibigan ni dating Mayor Rose Furigay, nakiramay sa ikalawang gabi ng burol | Labi ng executive aide ni Furigay na si Victor Capistrano, iuuwi rin sa Lamitan, Basilan
• Guidelines para sa second booster shot ng COVID-19 vaccine para sa mga edad 50 pataas at 18-49 na may comorbidities, inilabas na ng DOH
• Ilang mambabatas, tutol sa mandatory ROTC
• Senate minority bloc sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos: Tila kulang at walang bago | ‘Di pagtutok ni PBBM sa isyu ng korapsyon at problema sa pagkain, pinuna rin | Senate minority bloc, suportado ang ilang programa ni PBBM | Walang tinalakay sa SONA tungkol sa mga manggagawa at estudyante, ayon sa ilang party-list representative | VP Duterte: The SONA of Pres. Marcos was on point and perfect
• Quezon City Public Employment Service Office, may job fair ngayong araw
• Lumang tulay, bumigay; 1 patay, 8 patuloy na hinahanap
• SUV na may 5 na sakay, biglang nagliyab
• Lasing na pulis, hinampas ng tsinelas ang matandang lalaki
• DOH, tutol pa rin sa paggamit ng vape sa gitna ng pagsasabatas ng vape bill | Sen. Alan Peter at Pia Cayetano, nadismaya rin sa pagsasabatas ng vape bill
• 5th birthday celebration ng isang aso, kinaaliwan ng netizens
• Marian Rivera, proud na shinare ang pagtugtog ni Zia sa piano ng "Fur Elise"
• 2 LPA, binabantayan ng PAGASA
• 600,000 magsasaka, makikinabang sa moratorium sa pagbabayad ng utang at interes, ayon sa DAR | DAR, tumatanggap na ng aplikasyon para sa mga kwalipikadong benepisyaryo para sa libreng lupa
• Search and rescue operation para sa trabahador na na-trap sa septic tank, nagpapatuloy | Trabahador na na-trap sa septic tank, naiahon na
• Ilang akusado ng large-scale estafa, posibleng maharap sa panibagong kaso matapos gumamit ng nakaw na van papunta sa korte
• Senior citizen, patay matapos saksakin ng kapitbahay; suspek, sinaksak din ang kanyang asawa at anak
• MMDA, katuwang ang mga LGU sa sidewalk clearing operations sa Metro Manila
• Family driver ng pamilya Furigay, ikinuwento ang mga nasaksihan sa pamamaril sa Ateneo noong Linggo
• Ateneo, naglunsad ng donation drive para sa pamilya ng security guard na si Jeneven Bandiala na nasawi sa pamamaril sa campus
• Katawan ng lalaking sakay ng lumubog na bangka sa Taguig River Festival, natagpuan na