Bakit nga ba ikinagalit ng China ang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan?
Matapos ang pagbisita ni Pelosi sa Taiwan, ipinakita ng China na hindi sila natuwa sa aksyon na ito ng Amerika, dahilan para mas lalong tumindi ang namumuong tensyon sa pagitan ng mga nasabing bansa.
Pero bukod sa pagbisitang ito, ang pagbibigay ng armas at iba pang tulong sa Taiwan ng Amerika ang isa pang nakikitang dahilan sa patuloy na pagtaas ng tensyon.
Ano nga ba ang ibig sabihin ni Pelosi nang bisitahin niya ang Taiwan at ano ang maaaring maging epekto nito sa pagitan ng dalawang bansa? Alamin ‘yan sa report na ito ni Richard Heydarian.