P2.4 BILLION NA PONDO, GINASTOS PARA SA 'OUTDATED AT PRICEY' NA LAPTOP NG MGA GURO | Stand For Truth

GMA Public Affairs 2022-08-10

Views 940

Mababagal na mga laptop pero “pricey” ang kinukwestiyon ng Commission on Audit (COA) sa Department of Education (DepEd). Ang budget ng departamento para sa mga “outdated at pricey” laptop, nagkakahalaga ng P2.4 billion.

Ayon sa COA, sa halip na 68,500 units ang mabili, nasa mahigit 38,000 units na lang ang naipamahagi sa mga guro. Lumabas din sa pag-aaral ng COA na puwedeng makabili ng parehong unit sa mas murang presyo.

Samantala, naglabas na ng pahayag ang DepEd at sinabing humingi na sila ng mga dokumento sa PS-DBM para siyasatin ang proseso at alamin kung ano talaga ang nangyari sa nasabing procurement.

Panoorin ang buong detalye sa video.

Share This Video


Download

  
Report form